What's Hot

Glaiza De Castro collaborates with Juan Miguel Severo for new song

By Marah Ruiz
Published June 4, 2019 11:59 AM PHT
Updated June 4, 2019 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Glaiza De Castro's new song “Kapalaran” features spoken word poetry by Juan Miguel Severo.

Kaiba mula sa kanyang typical rock sound ang bagong kanta ni Kapuso singer and actress Glaiza De Castro na "Kapalaran."

Glaiza de Castro
Glaiza De Castro


Mas nagagawi sa electronic ang tunog nito at may halo pang spoken word poetry mula kay Juan Miguel Severo.

Ayon kay Glaiza, hinintay daw niya ang tamang kanta para makipag-collaborate dito.

"I've known him since i-Libings days. Gumawa ako ng isang Cinemalaya film, 2010 or 2011 yata 'yun.

“Hindi ko pa siya kilala as Juan Miguel Severo kung paano 'yung pagkakakilala natin sa kanya ngayon," kuwento niya.

IN PHOTOS: New song, new sound for Glaiza De Castro

Isang music producer ng label nilang PolyEast Records ang naghikayat sa kanyang makipag-collaborate kay Juan Miguel.

"Gusto ko po talaga kasi kakilala ko na siya before. Nakikita ko nga 'yung mga Youtube videos niya.

“Nakaka-proud naman kasi dati tatahi-tahimik siya.

“Hindi ko naman alam na ganoon pala 'yung kaya niyang gawin," papuri ni Glaiza.

"Sabi ko, sige, pero hanap lang ako ng isang kanta na talagang babagay.

“Kasi, ayoko naman na gumawa lang or makipag-collab lang sa kanya for the sake of collaborating with him or working with him.

“Gusto ko kung meron man akong isang kanta, 'yung talagang swak at tsaka 'yung magugustuhan niya," pagpapatuloy niya.

Naging din organic daw ang kanilang collaboration.

"Binigay ko sa kanya 'yung idea ko na, 'Dito ka papasok. Ito 'yung istorya ng kanta tapos bahala ka na.'

“'Yun 'yung isa sa mga exciting parts of collaborating, e.

“Hindi mo siya lilimitahan sa kung ano 'yung ibibigay niya. May freedom siya, kahit anong gusto niya.

“Katulad noon, kung paano nabubuo 'yung mga songs ko, organic siya na nangyayari," paliwanag niya.

Maaaring i-stream ang "Kapalaran" sa Spotify. Maari din itong i-download via iTunes.