Showbiz News

READ: Aiai Delas Alas, umaming naloko sa negosyo

By Aedrianne Acar

Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Instagram nang aminin niyang may kinakaharap siyang malaking problema sa kanyang negosyo.

Aiai Delas Alas

READ: Aiai delas Alas gives warning about her mom's former caregiver

Ayon sa award-winning comedienne, naloko siya sa kanyang business. Pero sa halip na pangalanan ang mga ito, ipagdadasal na lamang niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Saad ni Aiai, “Anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si Lord na bahala sa inyo. Basta ako happy na lang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw, at madami blessing sa buhay ko.

"Mababait at magagandang anak, magaling na nanay ko, napakabait at mabuti ng asawa ko, mga totoong kaibigang maasahan, at si LORD AT MAMA MARY na nakikinig parati sa aking mga dasal. GOD BLESS EVERYONE."

Bumuhos naman ang suporta ng fans ng Comedy Queen sa pag-amin nito sa business problem na kinakaharap.

Aiai Delas Alas

Last month, pumutok din ang balita na binitawan na ni Aiai Delas Alas ang pag-manage ng career ng rap group na Ex Battalion.

Aiai Delas Alas cries foul over Ex-Battalion's unprofessionalism: "Nakakahiya kayo."