
Na-starstruck ang Kapuso actress na si Klea Pineda matapos makita sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang fashion charity gala na ginanap kagabi, June 4, sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Up close and personal na nakasama ng aspiring beauty queen ang dalawang Miss Universe at pinayuhan pa siya ng mga ito sa pagsali sa Bb. Pilipinas.
"If she's thinking about joining Bb. Pilipinas, just go for it 'cause your life will really change," ani Pia sa isang interview ng GMA News.
Para naman kay Catriona, dapat alamin muna raw ni Klea kung bakit niya nais sumali sa prestihiyosong beauty pageant.
"You know, just enjoy the journey and find why you're doing it. There has to be a purpose behind it," saad ng reigning Miss Universe sa 20-year-old actress.
Halos hindi makapagsalita sa kilig si Klea matapos marinig ang mga mensahe ng dalawang beauty queens.
"Minsan lang ako ma-starstruck talaga and nangyayari lang sa 'kin 'yun 'pag Miss Universe ang kaharap ko or beauty queens," ika niya.
Panoorin ang buong ulat sa Unang Balita: