
Hiwalay na ang Kapuso hunk at The Better Woman star Derek Ramsay sa kanyang longtime girlfriend na si Joanne Villablanca.
Kinumpirma ito mismo ng aktor sa isang panayam ng PEP.ph sa pamamagitan ng direct message sa social media.
Gayunman, tumangging magbigay ng pahayag ang aktor sa dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.
Aniya, “Yes, we have broken up.
“It's all for the best and I'd like to keep that between the both of us.”
Panoorin ang buong detalye sa ulat ni Luane Dy: