What's Hot

Martin del Rosario does not mind being stereotyped as gay in his portrayals

By Jansen Ramos
Published June 10, 2019 5:17 PM PHT
Updated June 10, 2019 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO, sinuspinde ang mga driver’s license ng 3 motoristang nagkarera umano at naaksidente sa QC
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz

Article Inside Page


Showbiz News



Martin del Rosario: “Mas marami pa nga akong ginawang May-December affair roles than gay roles.”

Pagkatapos ng box office hits na Die Beautiful at Born Beautiful, muling bibida sina Martin Del Rosario, Paolo Ballesteros at Christian Bables sa isang LGBT-themed film na pinamagatang The Panti Sisters.

Martin del Rosario
Martin del Rosario

LOOK: Martin del Rosario, Christian Bables, and Paolo Ballesteros tampok sa 'The Panti Sisters'

Kabilang ito sa ika-3 edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP, na gaganapin sa September 13 to 19, 2019.

Sa panayam ng GMANetwork.com kamailan, sinabi ni Martin na "very excited" siya sa kanilang pagsasama-sama sa iisang pelikula sa unang pagkakataon.

A post shared by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on

Sabi pa niya, "Si Paolo, 'di ko naman first time makakatrabaho kasi do'n sa Born Beautiful, medyo konti lang 'yung scenes ko with him.

"Si Christian naman first time ko makakatrabaho.

"Kagulo 'yun, riot ang mangyayari, masaya."

Marami nang nagampanang LGBT roles si Martin pero, aniya, hindi naman issue kung ma-stereotype siya bilang homosexual.

Paliwanag ng 26-year-old actor, "Hindi naman kasi for the longest time, laging mga gano'n 'yung role ko.

"Siguro 'yun lang 'yung napapansin."

Paglilinaw pa niya, "Mainstream kasi 'yung Born Beautiful, ['yung The Panti Sisters] din mainstream na gay role.

"Pero sa rami naman ng indie films na ginawa ko, ang dami ko ring nagawang [ibang roles.]

"Mas marami pa nga akong ginawang May-December affair roles than gay roles.

"Parang na-count ko 'yung May-December roles ko both in TV and in movies, siguro parang 12 na 'yung iba't ibang leading ladies ko na mas matanda sa 'kin."

Dagdag pa ni Martin, "And iba-iba, may baliw, may rapist, may drug addict.

"Ganyan 'yung mga nakukuha kong roles. So, ako naman kasi mas challenging, mas maganda.

"Mas masarap paglaruan, mas masarap pakapalin 'yung character.

"Kung ako, I accept the challenge."

My look for Because I Love You presscon :) Styled by @pattyyap

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario) on

Kaiba sa kanyang role sa The Panti Sisters, mapapapanood muna sa big screen si Martin sa rom-com film na Because I Love You.

Dito ay gaganap siya bilang playboy na boyfriend ni Summer, na gagampanan ni Shaira Diaz.

WATCH: The official trailer of David Licauco-Shaira Diaz-starrer 'Because I Love You'

Pahayag niya, "Personally, mas gusto ko 'yung role na nahihirapan ako.

“Pero no'ng ginawa ko 'to, na-miss ko, kasi nag-start ako sa showbiz na ganitong roles 'yung ginagampanan ko sa teen shows, very millennial.

"Mas simple pero maraming matutunan and kakikiligin."

Mapapanood na ang Because I Love You sa mga sinehan simula June 26.

David Licauco, Shaira Diaz continue to spread kilig in Wattpad-based film 'Because I Love You'

Jun Lana teases new film 'The Panti Sisters'