WATCH: Julie Anne at Christian, muling magpapakilig sa nalalapit na concert sa Cagayan de Oro
Handa na muling magpakilig sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista sa nalalapit nilang concert na pinamagatang The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only, na gaganapin sa Limketkai Center, Cagayan de Oro sa July 6.
Malaki ang pasasalamat ng dalawang Kapuso singers sa kanilang fans dahil sa suportang ibinigay sa kanila para sa nakaraang concert sa Iloilo noong Enero.
Kaya naman sobrang excited na rin silang muling magtanghal sa susunod na buwan.
“It's gonna be a great show,” pahayag ni Julie.
“Everyone's gonna have fun and of course, aside sa mga kantahan, sayawan, meron ding tawanan.”
Makakasama ng dalawa sina Super Tekla, Donita Nose, at Studio 7 co-host na si Kyline Alcantara.
Mabibili ang tickets sa Limketkai Bizhub, Ale Restaurant, Streetby App., GMA Cagayan de Oro Station, at SM Tickets. Maari ring tumawag sa 0915-535-3873, 0936-300-0243, at (088) 857-7933.
Narito ang iba pang chika ni Lhar Santiago: