
Kinilala ang 94-year-old na aktres na si Anita Linda ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa kaniyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino.
Aniya, siya ay “masaya, proud, at grateful” nang kinilala ang halos 75 taon niyang dedikasyon at kontribusyon sa industriya.
Dagdag pa ng beteranong aktres, handa pa rin siyang gumanap sa kahit anong role, mapa-telebisyon man o pelikula dahil ito raw ang gusto niyang gawin.
Kasabay ng pagkilala kay Anita ang pagdiwang ng sentenaryo o ika-100 taon ng pelikula sa Pilipinas.
Panoorin ang ulat ni Iya Villania:
Kapuso stars Gloria Romero, Eddie Garcia among “Outstanding Stars of the Century” by PMPC