Article Inside Page
Showbiz News
Napakaraminig blessings ngayon ng young actress na ito. Bukod sa Gagambino, she has two movies in line, at masaya din siya sa kanyang love life.
Si Katrina Halili ay isa sa mga busiest actresses nating ngayon. Aside from the top-rating show 'Gagambino,' busy rin siya sa mga upcoming movies, at siyempre, sa kanyang bagong love life. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Sa set ng
Gagambino sa Bataan, nakausap namin si Katrina at natutuwa niyang ibinalita sa iGMA na super busy at super happy siya ngayon. Aside from
Gagambino's excellent performance in the ratings game, the sexy actress told us na may entry siya sa upcoming MMFF (Metro Manila Film Festival), ang
One Night Only . Ginagawa rin niya ang pelikulang
Sundo, which will be shown in February.

"'Yung
Sundo po sa February pa eh. Ang
One Night Only, sa December 25 po. Kasama ko doon sila
Jennylyn Mercado, Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion,
Diana Zubiri, at saka sila
Paolo Contis at marami pang iba," kuwento ng dalaga.
Idinagdag pa niya na ang role niya sa
One Night Only ay isang social climber na mayroong sugar daddy. Lahat din daw ng mga scenes sa movie ay kinunan sa iisang lugar, a hotel in Antipolo.
"Actually, ang story kasi ng
One Night Only, maraming nangyayari na mga bagay-bagay sa isang lugar, sa isang gabi, at may iba-ibang story kaming lima. Sobrang maraming makaka-relate."
Sa
Sundo naman, no less than
Mr. Robin Padilla ang kasama ni Katrina, kaya naman siguradong dapat abanagan ito next year.
"Ang role ko dito, kalog, kikay, shonga (laughs). Tapos parang trying hard, feeling sikat na artista pero hindi naman ako sikat. Parang talent lang naman ata ako doon na feeling sikat lang, parang ganun," ayon kay Katrina.
Sinabi rin niya ng tuwang-tuwa siya na puro comedic roles ang kanyang ginagawa ngayon.
"Nakakatuwa nga kasi simula nang mag-stop ako ng
Magdusa Ka, lahat comedy. Dito sa
Sundo, comedy; at sa
One Night Only, comedy din," sabi ni Katrina. Inamin niya na medyo nahihirapan siya kapag heavy drama ang kanyang role sa television.
"Nahirapan at na-drain nga ako after ng
Magdusa Ka, then nag-
Obra ako, tapos movies—tatlo yun eh. 'Yung ginawa ko, walang tulugan for three weeks," dagdag ng young actress.
Nilinaw naman niya na hindi siya nagrereklamo sa kanyang work load. In fact, thankful siya dahil hindi siya nawawalan ng projects. But more importantly, kaya naman masaya si Katrina ay dahil makulay ang kanyang love life ngayon. Napabalitang si Chris Lawrence ang bagong boyfriend ng dalaga at masayang masaya ang dalawa.
Natutuwa kami sa mga nangyayari kay Katrina, na hindi lang marami ang kanyang projects kundi masaya din siya sa kanyang love life. Dapat abangan ng kanyang mga fans ang mga movies niya na tiyak namang magpapakita ng iba't-ibang sides ng dalaga.
In the meantime, panoorin si Katrina sa
Gagambino, weeknights right after
Luna Mystika.
Alamin ang latest mula kay Katrina. Text KATRINA and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)