Article Inside Page
Showbiz News
Glowing at sexy pa rin ng aktres kahit na five months pregnant na ito. At masayang ibinalita din niya sa iGMA noong baby shower niya na boy pala ang kanyang din
Maganda at super sexy pa rin ang five months pregnant na si Angelika dela Cruz. Noong Thursday, November 27, 2008, ginanap ang unang baby shower ni Angelika sa Punchline, Quezon Avenue, at doon namin nalaman na boy ang ipinagbubuntis ng premyadong actress. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Halatang masayang-masaya at excited si Angelika noong abutan namin siya. Abala ito sa pag-aasikaso ng kanyang mga bisita at the time sa Punchline para sa kanyang baby shower.

Ayon sa kanya, medyo mabilis na siyang mapagod pero okay lang daw, at hindi naman siya nahihirapan sa kanyang pagbubuntis.
"Never akong nagkaroon ng hard time, ha, as of now na magpa-five months na ako,” kuwento ni Angelika. “Simula noong umpisa hanggang ngayon, I am really enjoying my pregnancy and I am very, very happy. Kaya tingnan ninyo, naka-shorts ako at naka-body fit, ine-enjoy ko talaga siya!”
Inamin din niya na sinadya niyang agahan ang kanyang baby shower dahil gusto niyang ma-enjoy niya ang okasyon.
“Usually ‘pag baby shower, ‘pag mga seven months na or eight months na, pero
ako inagahan ko, kasi ayokong mapagod ng ganoong months. Gusto ko ‘pag ganoong
months, naka-relax na lang ako," dagdag ng star ng
Una Kang Naging
Akin.
Ibinalita rin niya sa amin na lalaki ang kanyang baby and that she and her husband, Orion, are planning to name the boy Gabriel: “It's actually the name of my lolo, pero gusto lang kasi namin na Gabriel, kasi it is such a nice name at saka parang angel 'di ba?”
Sa ngayon, busy pa rin si Angelika sa kanyang two soaps sa GMA,
Una Kang Naging Akin (UKNA) at
La Lola.
“Sa
UKNA, mga four or five taping days left. For
La Lola naman, I will be taping until January, kasi my role naman is pregnant na so hindi na ako mahihirapan. I can wear flats finally at saka pambuntis na, so hindi na ako mahihirapan," nakangiting sabi ng mom-to-be.

Incidentally, full support ang cast at staff ng kanyang mga shows sa pagbubuntis ng actress. In fact, maraming artista ang dumalo sa kanyang baby shower, tulad nila
Maxene Magalona, Paolo Contis, Tanya Garcia, at si Direk Gina Alajar.
Sa pagtatapos ng interview, hiningan namin siya ng message para sa kanyang baby, kay Orion, at sa kanyang mga fans.
“To the baby, excited na kami ni Orion na dumating ka sa buhay namin and kay
Orion, honey, thank you,” sagot ni Angelika. “‘Yun lang naman ang pwede ko ng sabihin. Thank you for everything—alam mo na 'yun. Sa mga fans, unang-una po, maraming salamat po at hanggang ngayon sinusuportahan ninyo pa rin ako. Nakaktuwa kasi masaya sila for me and huwag kayong mag-alala [dahil] hindi po ako mawawala. Sandali lang akong magpapahinga tapos makikita ninyo ako agad."
Panoorin si Angelika dela Cruz sa kanyang mga top-rating shows, ang
Una Kang Naging
Akin sa Dramarama block at ang
La Lola sa prime time Telebabad ng GMA.