Showbiz News

Bianca Umali and Miguel Tanfelix react to Sahaya's time slot change

By Bianca Geli

Ano kaya ang reaksyon nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ngayong inilipat ng time slot ang pinagbibidahan nilang Sahaya?

Bianca Umali and Miguel Tanfelix

Kuwento ni Bianca sa 24 Oras, mas marami na raw makakanood na BiGuel fans sa bago nitong time slot ngayong napaaga ito dahil karamihan ng mga BiGuel fans ay estudyante o mga teens.

“Tama naman po 'yun since most of the people who support Miguel and I are young people, the earlier time slot will help us para mapanood nila kami,” saad ni Bianca.

Dagdag ng aktres, bukod sa ratings, mas nakatutok siya sa istorya ng programa. “Ever since we started the show, we never really based our show on the ratings or time slot or kung ano 'yung katapat namin or sino--we only focus sa story namin.”

Para kay Miguel naman, nagsisilbing challenge sa kaniya ang panibagong time slot dahil makakatapat na ng Sahaya ang long-time running primetime drama ng kabilang network.

“Siyempre alam naman namin na 'yung show na katapat namin ay sobrang established na, kung baga mas motivated lang kami ngayon,” saad ni Miguel.

Mapapanood rin ang BiGuel stars sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment offering, Family History sa mga sinehan simula ngayong July 24.

Netizens react to Miguel Tanfelix's transformation as Ahmad in 'Sahaya'