Article Inside Page
Showbiz News
All about giving ang topic ng iGMA sa lead stars ng
LaLola during our conversation noong last visit namin sa on-location taping nila JC at Rhian.
All about giving ang topic ng iGMA sa lead stars ng 'LaLola' during our conversation noong last visit namin sa on-location taping nila.
When iGMA asked
JC de Vera kung ano ang plans niya this Christmas season, he was quick to answer na he had to rearrange his vacation schedule.
"Dapat talaga pupunta ako ng US. Planado na talaga yun, kaya lang dahil sa
LaLola, mahihirapan ako umalis." This is also because the show's Christmas party is on the 27th, at dahil gusto naman niyang mag-drop by, he just postponed his trip.

Naikwento rin ni JC na may balak siyang mamigay ng clothes ulit to kids, like what he did last Christmas. "Actually, hindi para sa kids talaga, para sa mga young teens," he says. "Kasi syempre kung ano yung ginagamit ko hindi ko naman pwede ibigay sa mga malilit na bata."
As a celebrity, maraming outfits ang naiipon sa closet ni JC every year, at syempre hindi naman niya ito lahat maisusuot. Kaya naman napagisip-isip ng binata na i-donate ito sa mga mas makagagamit sa clothes niya.
"Every year ginagawa ko yun, may isang box ako palaging pinamimigay," sabi ng aktor.
Since his
La Lola co-star
Rhian Ramos was right beside him, we asked the two kung ano ang ibibigay nila sa isa't-isa for Christmas as Lola and Facundo.
"Bibigyan ko siya ng sapatos na hindi mataas!" sagot ni JC na sabay tawa. "Kahit gaano karami basta lahat flats!" This must be because Rhian stands at 5’6”, at pag nag-heels siya, may tendency na magmukhang mas matangkad kay JC.
Dagdag ni Rhian, "O kaya pantalon, kasi yung character ko hindi pa nagpapantalon!"
How about her, what would she give Facundo?
"Kiss!" loko ni JC.
"Hmm, deodorant!" sagot naman ni Rhian. "Kasi laging naka-suit [si Facundo], tapos pinapapawisan na siya nang solid! Kawawa naman!"
"E mayaman si Facundo - siguro naman may pambili siya [ng deodorant!]" kontra ni JC.
"Iba pa rin 'pag bigay, e mayaman naman din 'yung character ko, pwede naman siguro ako bumili ng sapatos!" sambat naman ni Rhian.
Pero kung hindi sila in character, ano naman ibibigay nila sa isa't-isa?
Inamin ng dalawa na hindi talaga sila palabigay ng gifts, pero nang mapilit sila ng iGMA, sabi ni JC na may idea na siya sa kung ano ang gift niya for his leading lady.
"Pero syempre hindi pwede sabihin sa harap niya!" sabi ng actor.
Tanungin niyo kay JC kung ano ang gift niya kay Rhian! Text JC (your message) to 4627! To text Rhian, text RHIAN (your message) and send to 4627 Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART, TM and TALK N TEXT and costs P2.00 for SUN subscribers. (These services are available only in the Philippines)
Text by Jillian Q. Gatcheco and Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.