What's Hot

WATCH: Aira Bermudez, ibinahagi kung paano na-discover bilang Sexbomb dancer

By Marah Ruiz
Published July 6, 2019 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



SexBomb dancer-actress Aira Bermudez: “Huwag natin hayaan na lipasan tayo ng opportunity na 'yun kasi hindi mo alam 'yung naghihintay sa 'yo.”

Eleven years old pa lang si dancer and actress Aira Bermudez, sumasali na siya sa mga dance contest para makatulong sa pagtustos sa kanyang pamilya.

Aira Bermudez
Aira Bermudez


Bukod dito, suki din siya sa mga street party sa Tondo, Manila, kung saan siya lumaki.

Dito raw siya nahasa sa pagsasayaw at sa mga tila buwis-buhay stunts sa kanilang mga dance routine.

Sa ganitong uri raw ng contest siya na-discover ng dating SexBomb manager na si Joy Cancio.

"Si Ms. Joy Cancio, one of the judges. Kinausap ako ni Ms. Joy after the contest kasi nanalo kami, second place.

“Nilapitan niya 'ko. Sabi niya, 'Gusto mo bang mag SexBomb?'" kuwento ni Aira.

Noong panahon na 'yon, hindi raw niya kaagad tinaggap ang alok.

"Sabi ko lang, tatawag ako. Pero tumawag after two months. Hindi agad.

“May fear ako kasi hindi ako confident enough. Kasi siyempre nag-aaral, tapos iniisip ko pa 'yung pamilya ko.

“Kailang ko kumita, kumita, kumita. 'Yun ang lagi kong nasa isip," paliwanag niya.

Pero nang nakakuha na siya ng lakas ng loob, agad naman siyang sumalang at nagtuluy-tuloy na sa paging SexBomb dancer simula noon.

"Pinapunta 'ko ng assistant, si Kuya Jed. Sasalang ako sa 'Meron o Wala.'

“May magtuturo sa 'yo ng sayaw, 'tapos pinagsasawayaw nila ko.

“'Pumunta ka na ng Eat Bulaga,' sabi niya sa kin. 'Magdala ka ng sapatos or boots.'

“Siyempre, 'pag SexBomb boots, e," gunita ni Aira.

Dito raw niya natutunan na huwag palamapasin ang mga pagkakataong makukuha niya.

"'Pag merong opportunity, basta i-grab lang nang i-grab.

“Huwag natin hayaan na lipasan tayo ng opportunity na 'yun kasi hindi mo alam 'yung naghihintay sa 'yo," aniya.

Panoorin ang feature kay Aira ng programang Tunay Na Buhay.