What's Hot

Ano ang pakiramdam ng original 'Rak of Aegis' cast sa kanilang pagbabalik sa stage?

By Maine Aquino
Published July 8, 2019 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kanilang muling pagbabalik sa stage, ibinahagi ng original cast members na sina Aicelle Santos, Isay Alvarez-Seña, Robert Seña, at Pepe Herrera ang pakiramdam na muli silang magtatanghal sa hit Pinoy musical na 'Rak of Aegis.'

Nitong July 5 ay opisyal nang binuksan ng Rak of Aegis ang kanilang 7th season.


Sa kanilang muling pagbabalik sa stage, ibinahagi ng original casts na sina Aicelle Santos, Isay Alvarez-Seña, Robert Seña, at Pepe Herrera ang pakiramdam na muli silang magtatanghal sa hit Pinoy musical.

Kuwento ni Aicelle na muling magbabalik bilang Aileen, "Tuwang -tuwa kami, personally, ako, na nairaos ko."

Aicelle Santos comes back stronger for 'Rak of Aegis Season 7'

Si Isay naman ay inaming tinanong niya ang sarili kung kaya pa ba niyang gawin ang ikapitong season. Siya ay gaganap muli bilang si Mary Jane.

"Ang tanong namin sa sarili namin, lalo na sa original cast, kaya pa ba natin? Kasi ilang years ago na ba? 5 years ago na?... We're just happy to be back on stage together with the original and the new cast members of Rak... I think Rak of Aegis is successful because of the support we got from the media, from our friends, from our sponsors. Hopefully we can do this forever."

Si Pepe ay ibinahaging magkahalo ang kanyang emosyon na naramdaman nang muli siyang nagtanghal bilang Tolits. Saad niya, "Para sa akin po it's both familiar and it feels like the first time. A combination of both. May excitement siya, siyempre may confidence ka na rin. Pero 'yun, bago pa rin siya sa amin."

Inilahad naman ni Robert na gumaganap bilang Kiel ang challenge sa kanilang pagbabalik.

"Actually challenging siya gawin kasi how to make it fresh again for all of us. Bumalik ang nerbyos namin ulit... It's good to go back to your roots again and 'yung feeling na ginagawa ninyo 'yung show. Sama-sama kayo, sama-sama 'yung energy, walang sapawan, kailangan tuloy-tuloy ang tuhog."

Dagdag pa niya ay hindi niya nakasanayang umulit ng roles pero ginagawa niya ang role ni Kiel dahil natural na ito sa kanya.

"I don't repeat my roles para fresh siya, pero with Rak, lupa ba siya, very generic siya eh, organic. Tapos pagsampa mo doon sa baha, natural na sa aming lahat."

Panoorin ang 7th run ng Rak of Aegis from July to September 2019.