What's Hot

READ: Sino ang favorite ka-love team ni Kris Bernal?

By Felix Ilaya
Published July 9, 2019 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Kris Bernal on being paired with Rayver Cruz: "Kasi si Rayver, siya lang sa lahat ng mga naging leading men ko, 'pag off-camera..." Read more:

Marami nang naka-love team ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang tinagal sa showbiz kaya naman hindi niya maiwasang maikumpara sila sa isa't-isa. But out of all of them, may namumukod-tangi raw siyang ka-love team na itinuturing niyang favorite.

Kris Bernal
Kris Bernal

Sa media conference ng upcoming suspense-drama series ng GMA na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, inamin ni Kris na masaya siyang muling makatrabaho ang kaniyang favorite ka-love team na si Rayver Cruz sa show.

Aniya, "Happy ako kasi siyempre si Rayver, dati pa naman sinasabi ko childhood crush ko si Rayver, showbiz crush ko talaga 'yan bata pa lang ako. Pero ngayon, brothers-brothers na kami, parang kapatid na lang. Sobrang comfortable, by far masasabi ko ngayon siya na 'yung favorite love team ko."

Ano kaya ang dahilan bakit naging paborito ni Kris si Rayver?

"Kasi si Rayver, siya lang sa lahat ng mga naging leading men ko, 'pag off-camera, friends talaga kayo. Hindi lang kayo nagtatrabaho on-cam, pero off-cam talagang nagkukumustahan kayo, nag-uusap kayo. 'Yung iba parang work lang talaga, wala kayong nabuong friendship. Hindi mo matatakbuhan 'pag may problema ka."

Dagdag pa ni Kris na nalalapitan niya raw ito tuwing may guy problems siya.

Nagkatambal sina Kris at Rayver sa 2018 series na Asawa Ko, Karibal Ko at ngayon ay muli silang magsasama sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. Gaganap si Kris bilang si Naomi, ang multong manggugulo sa buhay ng kaniyang ex na si Mateo na siyang bibigyang buhay naman ni Rayver.

Kahit madalas silang magkatrabaho ni Rayver, wala naman daw silang iringan ng kapwa Kapuso actress niyang si Janine Gutierrez na dine-date si Rayver.

"Sobrang love ko si Janine ha, gandang-ganda ako sa kanya at saka ang bait-bait niya. Wala siyang issue sa'kin," wika ni Kris.

'Wag palampasin ang pagbabalik nina Kris at Rayver on GMA Afternoon Prime sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Mondays to Saturdays pagkatapos ng Eat Bulaga.