
Dumalaw sa Kapuso morning show na Unang Hirit ang lead stars ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ngayong umaga (July 12) na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
At sa kanilang sabay na unang pagbisita, tinanong nina Suzi Abrera at Luane Dy kung anu-ano ang kanilang first impressions about each other.
Ayon kay Alden, bagama't hindi ito ang una nilang pagkikita ay na-intimidate raw ito kay Kathryn sa naganap na storycon ng pelikula noong Marso.
Aniya, “Kami ni Kat [Bernardo] nagkita na kami talaga sa events before, sa mga awards night.
“Pero really, 'hi' at 'hello,' lang talaga eh. Walang really usap.
“So, nung nagkita kami ng storycon, kinabahan ako eh. Na-intimidate ako eh.
“Parang before, akala ko mahirap siyang kausapin at feeling ko, kung baga, she just answers the question. Isang tanong, isang sagot.
“Pero hindi pala eh. Nakatulong talaga 'yung we were able to work together in Hong Kong for almost a month.”
IN PHOTOS: At the press conference of Alden Richards-starrer 'Hello, Love, Goodbye'
At nang tanungin nina Suzi at Luane ang leading lady ni Alden kung ano ang first impression niya sa Kapuso actor, “mature” ang biglang sagot nito.
“Kasi nag-uusap kasi sila ni Inang [Olivia Lamasan] and then nandun din sila Direk Cathy [Garcia-Molina], nakikinig lang ako and siyempre shy pa ako and then sabi ko, 'Hmmm…mature siya 'no?'
Sa Hello, Love, Goobye, gagampanan ni Alden ang karakter ni Ethan, isang OFW sa Hong Kong. Pagtatagpuin sila ng karakter ni Kathryn na si Joy na isang baguhang OFW.
Makakasama rin nina Alden at Kathryn sa Hello, Love, Goodbye sina Lovely Abella, Kakai Bautista, Jeffrey Tam, Joross Gamboa, at Jameson Blake.
Mapapanood na sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye simula July 31.
Panoorin ang buong interview nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa video na ito:
Cathy Garcia-Molina praises Alden Richards's acting: “Hindi siya marunong umarte, magaling siya!"