
Pahinga muna sa showbiz si Kapuso actress Glaiza de Castro dahil nasa Inglatera siya para mag-aral ng kursong music.
Ito ang unang pagkakataon na mamumuhay ng mag-isa ang Kapuso actress.
“It's also a test of faith kung anong magagawa ni Lord para sa iyo. Siya naman talaga 'yung magbibigay sa 'yo ng guidance, ng discernment, ng wisdom.”
LOOK: Glaiza De Castro releases self-composed track “Kapalaran”
Dagdag pa ni Glaiza, sandali rin silang magkikita sa London ng kaniyang boyfriend na si David dahil mananatili ito sa Ireland para sa sinisimulan nitong negosyo.
“Few days talaga kasi 'yung dad niya magse-celebrate din ng birthday sa Portugal.
“So by that time, nagsisimula na 'ko ng lessons ko.
“Tinatanong nga nila pero sabi ko, hindi talaga kaya.”
Habang nasa London si Glaiza ay ipapalabas naman sa Pilipinas ang kaniyang nalalapit na pelikula na My Letters to Happy kasama ang aktor na si TJ Trinidad.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
WATCH: Movie trailer of Glaiza de Castro-TJ Trinidad starrer 'My Letters to Happy'