
Patuloy ang pagdagsa ng projects ni Ruru Madrid. Pagkatapos ng teleserye na pinagbidahan nila ni Kylie Padilla na TODA One I Love, aabangan naman sa isang pelikula ang aktor. Bukod pa rito, pumirma na rin siya ng exclusive contract sa GMA Music nito lamang Miyerkules, July 10.
READ: Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith, kumpirmadong magtatambal sa isang pelikula
READ: Ruru Madrid maglalabas ng 'hugot' song under GMA Music
Ayon kay Ruru, malaki raw ang naitulong sa kanya ng mga taong pinagdududahan ang kanyang kakayahan.
"Galing ako sa maraming tao na nag-doubt sa 'kin. Sinasabi nila na hindi ko kaya, hindi ko deserve 'yung isang bagay or 'yung projects na ibinibigay nila sa 'kin.
"Hindi naman ako magpapakaipokrito na [sabihing] hindi ako nasaktan doon sa mga sinabi nilang 'yon. Of course nasaktan ako, na-depress ako. Umabot sa point na hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.
Dahil daw sa challenges na ito, lalong lumakas ang loob ni Ruru na magpursigi sa kanyang showbiz career.
"Bakit ako magpapaapekto sa mga taong ganoon? Na-realize ko na bakit hindi ko sila gamitin para i-boost 'yung sarili ko to be a better person, para patunayan ko sila na deserve ko lahat ng bagay na ibinibigay sa 'kin."