What's Hot

WATCH: Ano ang paboritong eksena ni Michael V. sa 'Family History'?

By Cara Emmeline Garcia
Published July 16, 2019 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Sa naganap na morning chikahan kahapon (July 15) sa Unang Hirit, bumisita sina Michael V. at Dawn Zulueta para ipromote ang much-awaited film na 'Family History.' Panoorin 'yan dito:

Sa naganap na morning chikahan kahapon (July 15) sa Unang Hirit, bumisita sina Michael V. at Dawn Zulueta para ipromote ang much-awaited film na Family History.

Michael V & Dawn Zulueta
Michael V & Dawn Zulueta

Dito nakuwento ni Bitoy ang isang eksena na naging highlight ng istorya at ng kaniyang debut bilang isang direktor.

“May isang eksena na talagang very emotional,” saad ng multi-awarded comedian.

“Kasi with any relationship, 'di naman nawawala 'yung nagtatalo eh. Meron kaming pagtatalo [sa pelikula] na gustung-gusto ko.”

Sending you this dose of good vibes from @michaelbitoy and @dawnzulueta! Panoorin ang #FamilyHistoryMovie ngayong July 24 na, mga Kapuso! 😍 #BitoyAndDawnOnUH

A post shared by Unang Hirit (@unanghirit) on

Dagdag pa niya, naka-relate raw siya at ang kaniyang misis na si Carol sa ilang eksena na ipapakita sa pelikula.

“There are some scenes there and mga linya na talagang relate na relate kami bilang mag-asawa,”

“Kasi may mga eksena dun na hindi naman kinuha 'yung mga salita sa pag-aaway namin o pagtatalo namin, pero may hinanakit ka na maihahawig mo dun sa sitwasyon.

“Pati kung paano 'yung pag-e-express ng pagmamahal, 'yun talaga 'yun.”

Ang Family History ang unang pelikula ng MicTest Entertainment kasama ang GMA Pictures.

Mapapanood ito simula July 24.

Panoorin:

LOOK: 'Family History' star Michael V. draws his leading lady Dawn Zulueta

Netizens praises 'Family History' trailer for not giving away the meat of the story