
Matapos ang 22 years, nananatili pa ring Kapuso ang mahusay na aktor na si Gabby Eigenmann.
Lalo pang pinagtibay ang relasyon ni Gabby at ng GMA Network matapos niyang pumirma ng isang exclusive contract dito ngayong araw, July 16.
"For the longest time, I've called this network my home. Kung bibilangin natin kung gaano talaga 'ko katagal sa industrya burado na 'yung minus 1 year eh. I started 1996, pero I felt at home here in GMA for 22 years--22 long years," pahayag ni Gabby.
"Never in my mind, in my deepest thoughts, na napabayaan ako ng network. For the past 22 years, I've always been honored and I've always felt na parte talaga ko ng network na 'to. Sobrang happy ako," dagdag pa niya.
Masaya naman si GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon na napili ni Gabby na manatili sa network.
"Apart from loyalty, talaga naman magaling na artista 'tong si Gabby kaya nagtatagal 'yan sa industriya. Kaya naman tayo ay natutuwa na pumira na naman siya sa atin. 22 years is a long time for an artist to stay in one place. We are so thankful for that. Natutuwa tayo na nagbigay tayo ng tahanan sa isang Gabby Eigenmann," pahayag niya.
Ayon naman kay GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, patuloy silang maghahanap ng magaganda at challenging roles para kay Gabby.
WATCH: Gabby Eigenmann, award-winning actor pero 'first love' ang pagkanta
"Siyempre, patuloy 'yung paggawa niya ng drama, ng soap. At siyemrpe rin, iniisipan namin siya ng mga papel or characters na hindi pa niya nagagwa kasi nagawa na niya yata lahat. But because he is a very very good actor, kung ano man 'yung ibibigay sa kanya, I'm sure bibigyan niya 'yun ng ibang take, ng ibang interpretasyon na tatatak pa rin sa mga televiewers," aniya.
Present din sa contract signing ni Gabby ang kanyang manager na si Perry Lansigan, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara at GMA VP for Drama Redgie A. Magno.