What's on TV

Regine Angeles, may peg na sa kanyang karakter sa 'Wagas: Throwback Pag-ibig'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 17, 2019 10:00 AM PHT
Updated August 13, 2019 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Handang-handa na at may peg na ang modelo at aktres na si Regine Angeles sa kanyang karakter sa unang istorya ng 'Wagas' na 'Throwback Pag-ibig.'

Handang-handa na at may peg na ang modelo at aktres na si Regine Angeles sa kanyang karakter sa unang istorya ng 'Wagas' na 'Throwback Pag-ibig.'

Ayon kay Regine, may kaibigan siyang katulad na katulad ng karakter niyang si Amor, isang machikang social climber na gagawin ang lahat upang maging artista.

"May peg na ako [kasi] may friend akong ganon," ani Regine matapos ang story conference ng 'Throwback Pag-ibig.'

IN PHOTOS: At 'Wagas: Throwback Pag-ibig' story conference

"Siya talaga 'yung nakita ko doon."

Dagdag ni Regine, masaya siyang maging kontrabida dahil maipapakita niya ang galing niya sa pag-arte.

Aniya, "Ang sarap niyang paglaruan kasi very colorful yung character."

"Kasi usually yung roles na nakukuha ko, parating friend na mabait. At least ito malalaro ko siya, ang daming ways to explore the character."

Inamin din ni Regine na pressured siya sa kanyang unang regular teleserye sa GMA matapos niyang mag-guest sa Dragon Lady.

"Excited ako kasi this is my first time to work with GMA," saad ni Regine.

"Nag-guest ako sa Dragon Lady pero siyempre iba pa rin 'to. 'Yung araw-araw mo silang makakasama."

Ang karakter ni Regine ang magiging kontrabida sa buhay nina Ryan at July, na gagampanan nina Mike Tan at Sunshine Dizon.

Idederehe ng award-winning director na si Adolf Alix Jr. ang 'Throwback Pag-ibig,' na mapapanood na ngayong Agosto sa GMA.