Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong gabi,
One Night Only is set to premiere. Alamin natin ang tungkol dito straight from Katrina Halili herself.
Ngayong gabi, the film 'One Night Only,' an entry to the Metro Manila Filmfest, is set to premiere. And we get to know more about the movie from one of its lead actresses, Katrina Halili. Text by Erick Mataverde. Interview by Loretta G. Ramirez. Photos by GMA Network.
"Ako po si Jasmine, ano ako dito, parang social climber na meron akong mga sugar daddy," ang description ni
Katrina Halili sa kanyang role dito.

Dagdag pa niya, "Actually, ang story kasi ng
One Night Only, maraming nangyayari na mga bagay-bagay sa isang lugar, sa isang lugar sa isang gabi.
'Di ba? Like yung kunwari nandito tayo sa isang building na hindi mo alam, meron ka palang pinsan kunwari diyan or something na may mga—ang daming nangyayari na eksena. So kami, iba-ibang story kaming lima. Ako, si Diana (Zubiri), si Jen(nnylyn Mercado), si Valerie (Concepcion), [at si] Alex (de Rossi)."
At confident si Katrina na maraming tao ang makaka-identify sa mga scenes Dito: "Literal na lahat ng tao makaka-relate. Kasi parang, ay oo nga 'no, ganyan-ganyan. Meron dito si Chokoleit at saka si Joross (Gamboa) mag-boyfriend sila, tagal na ng relationship nila pero ang turing lang pala sa kaniya ni Joross parang tatay, alam mo 'yung mga ganun? Ang kulit!
Tapos parang si Manilyn [Reynes] tsaka si Miss Jen mag-dyowa rin sila, mga ganun, maraming scene. Iba-ibang istorya kaming lima, sobrang maraming makaka-relate," dagdag na kuwento ni Katrina.
So ano pa ang hinihintay natin? Let's get to experience One Night Only as it premieres tonight, December 22, 2008 at SM Megamall. Regular showing will be on December 25, 2008.
Want to be one of the lucky few to be invited to A Night with Katrina Halili, a Birthday Bash and Fans Day celebration, this January 11, 2009? Stay logged on to iGMA for more details!