
Hindi umatras ang miyembro ng Alpha Team ng Pinoy Descendants of the Sun na sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jon Lucas, Paul Salas, Lucho Ayala, at Prince Clemente sa inihandang special forces training ng Philippine Army sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija.
Dito, nasubukan ang stamina ng cast members pati na ang kanilang team spirit na kinumpirma ni Kapuso actor Rocco Nacino.
Aniya, “I think we are equipped and capable of doing our scenes together as a group.
“Kasi kahit dalawang araw lang po kami dito, I think we were able to create that bond and camaraderie.”
Rocco Nacino, nangakong pagbubutihan ang pagganap sa 'Descendants of the Sun'
Dagdag pa niya, mas tumindi ang kaniyang respeto sa mga sundalo na pumoprotekta ng bansang Pilipinas.
“Gusto namin mabuksan ang mga mata ng mga tao na, grabe pala 'yung ginagawa ng mga sundalo ng Pilipinas para sa atin.
“'Yun nga 'yung sinasabi nila e. Kaya nakakagimik kayo, nakaka-enjoy kayo ng sports niyo, o magbakasyon kasi the country is safe through our soldiers,” pagtatapos ni Rocco.
Gaganap si Rocco Nacino bilang si Sgt. Diego o Wolf sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Descendants of The Sun.
Bukod sa kaniya, bahagi rin ng serye sina Dingdong Dantes, Jasmine Curtis-Smith, Jon Lucas, Paul Salas, Lucho Ayala, at Prince Clemente. Magiging katuwang pa nila ang Armed Forces of the Philippines para patuloy na mas mapaghandaan ang nasabing serye.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
IN PHOTOS: At the story conference of 'Descendants of the Sun'
WATCH: Cast ng Philippine adaptation ng 'Descendants of the Sun,' sumabak na sa military training