
Nakauwi na ng bansa si fighting Senator Manny Pacquiao matapos niyang talunin via split decision si Keith Thurman noong Sabado, July 20.
LOOK: Celebrities congratulate Manny Pacquiao for victory over Keith Thurman
Dumating si Pacman sakay ang isang private plane kaninang madaling araw, July 23.
Maaalalang nagtamo ng eye injury ang Filipino boxing legend pagkatapos ng kaniyang laban sa American boxer kaya hindi ito nakadalo sa ika-4 na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero pahayag ni Manny, huwag daw mag-alala dahil okay naman na ang kaniyang pakiramdam.
Aniya, “Okay naman ako, wala namang problema.
“Hindi kasi ako pinalipad ng doktor ko kasi inexamine muna ako dahil twelve rounds 'yung fight.
“Although prepared na 'yung private plan pabalik dito kaso lang hindi ako pinayagan dahil may check-up pang ginawa.”
Dagdag pa nito, balik-trabaho na raw siyang ngayong araw sa senado.
“Aasikasuhin natin 'yung mga bills na nai-file natin,” pagtapos ni Manny.
Panoorin ang ulat ni Darlene Cay:
WATCH: Jimuel wants dad Manny Pacquiao to retire
WATCH: Manny Pacquiao likens Keith Thurman to American-Mexican boxer Antonio Margarito