
Mapapanood na ang directorial debut ni multi-awarded comedian Michael V. na Family History sa mga sinehan.
Kaya naman ang fans ni Bitoy, tuluy-tuloy ang pagpila sa takilyera para mapanood ang much-awaited film.
Umani rin ang Family History at ang Kapuso comedian ng papuri sa ilang movie critics tulad na lamang ni Ervin Santiago na sinabing “Genius ka talaga, Bitoy -- as in 46 times!”
Forty-six. 'Yan ang numerong bukambibig ng mga nakapanood na ng pelikula.
Katunayan, pati ang ilang netizens na nakapanood na, 'yan din ang laman ng kani-kaniyang post (ng walang spoilers!).
46 times 46 , ganun yung utak ni direk @michaelbitoygma ang galing whoooooo! #FamilyHistoryMovie
-- Gerald Piamonte (@yourheraldo) July 24, 2019
Amazing talaga young 46 kaya sugod na sa mga sinehan#FamilyHistoryMovie @DawnZpost pic.twitter.com/1j8Nlo7GFf
-- Ag3park (@Ag3park1) July 25, 2019
#46: Monthsary ba 'to, address, edad, winning number sa lotto, etc.? Panoorin agad ang #FamilyHistoryMovie para hindi tayo mahuli. 👍👍👍https://t.co/knc76BgJch
-- Rommel Villegas (@for__keeps) July 25, 2019
Dami pa rin ang hindi makatulog gawa ng #46 na yan hahahahaha
-- Heddieee (@HedZpost) July 25, 2019
Panoorin niyo na ang #FamilyHistoryMovie para malaman niyo kung ano ba talaga ang 46 na yan hahahaha 😂😂😂😂😂😂😂
Diba ma @DawnZpost
#46Times: Netizens, uulit-ulitin ang panonood ng 'Family History'
Ano kaya ang ibig sabihin ng number 46 sa pelikula?
Sagot ni Bitoy, “Isa 'yan sa mga kailangan niyo talagang panoorin para maintindihan dahil hindi niyo talaga mage-gets.
“Kung baga O.P. kayo e 'pag hindi niyo alam 'yung number 46.
“So kung gusto niyo talagang malaman, I would suggest na panoorin ninyo at masisiguro ko sa inyo na hindi kayo manghihinayang sa ibabayad ninyo.”
Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:
#FamilyHistory: Fans ni Dawn Zulueta, curious kung ano ibig sabihin ng '46 times'