
De-kalibreng aktres, total performer, number one endroser, at feeling super model. Ganyan ang karakter ni Aiai Delas Alas bilang si Aileen dela Rosa sa kanyang pelikulang And Ai Thank You.
Nasa tugatog na ng tagumpay si Aileen nang magkataning ang kanyang buhay. Dahil dito, manganganib ang kanyang career at magbabago ang kanyang buhay.
Panoorin:
Ang And Ai Thank You ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Joven Tan. Mapapanood na ito sa sinehan simula August 14.