What's Hot

Derek Ramsay, sinagot ang isang bastos na komento tungkol kay Bea Alonzo

By Aedrianne Acar
Published July 29, 2019 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi napigilan ni Derek Ramsay na mag-reply sa isang bastos na komento na iniwan ng isang netizen sa kanyang IG post tungkol kay Bea Alonzo.

Hindi napigilin na mag-react ng The Better Woman actor na si Derek Ramsay nang mabasa niya ang di kanais-nais na komento ng isang netizen patungkol sa Instagram post niya kay Bea Alonzo.

Grab PH draws flak for 6-seater promotional material

Last week, pumutok ang balita na hiwalay na ang showbiz couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Nadadawit din ang pangalan ni Julia Barretto na anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla na "third party" diumano sa relasyon.

Sa isang panayam na inupload sa Tonight With Boy Abunda Instagram page, nilinaw ni Bea na wala silang formal breakup ng Kapamilya actor at sinabi nito na bigla na lang pinutol ni Gerald ang kanilang komunikasyon.

Makikita naman sa Instagram post ni Derek na nagbigay ito ng message of support kay Bea.

Saad ng Kapuso leading man, “One of the strongest, smartest and talented women i know. You are amazing @beaalonzo Keep smiling!!!!!!”

One of the strongest, smartest and talented women i know. You are amazing @beaalonzo Keep smiling!!!!!!

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

Pero tila hindi nagustuhan ni Derek ang bastos na komento ng netizen na si @christton.jpg sa Instagram post niya.

Basahin ang reply ng Kapuso actor.

Huling nakatrabaho ni Derek Ramsay si Bea Alonzo sa pelikulang 'Kasal' noong 2018.