What's Hot

WATCH: Dennis Trillo, inspired sa pelikulang 'Mina-Anud' na pinagbibidahan niya

By Cara Emmeline Garcia
Published July 30, 2019 10:36 AM PHT
Updated July 30, 2019 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Ang indie crime-comedy movie na 'Mina-Anud' ang magsisilbing closing film sa gaganaping 2019 Cinemalaya Festival. Read more:

Inspirado si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa pelikulang pinagbibidahan niya kasama si Love You Two actor Jerald Napoles na may pamagat na Mina-Anud.

Ang indie crime-comedy movie ang magsisilbing closing film sa gaganaping 2019 Cinemalaya Festival.

Ang konsepto raw ng pelikula, ay ayon sa isyu ng droga na inaalon sa dagat at nakukuha ng mga mangingisda sa maliit na bayan ng Samar. Ang kuwento ay base sa totoong pangyayari noong 2009.

“Ito ay nangyari noon, nung 2009, at patuloy na nangyayari ngayon hindi lang sa Samar kundi sa iba't ibang isla sa Pilipinas.”

Si Ding at Carlo sa Pelikulang Mina Anud, ang pinaka malupet na pelikulang mapapanood niyo... ngayong August hehehe🏄🏿‍♂️🤟🏾 surf all day braaaaaaaah! Under @regalfilms50 and Epic media

A post shared by Dennis Trillo 🇵🇭 (@dennistrillo) on


Mabigat man ang tema ng pelikula ay tiyak si Dennis na kaaliwan ito ng mga manonood.

“Sa bigat nga ng tema nitong pelikula, minabuti ng direktor na maging light 'yung approach niya.

“Ginawa niyang black comedy 'yung atake niya kaya kahit mabigat e, marami pa rin nakakatawang eksena.”

Ang Mina-Anud ay idinerehe ni Kerwin Go at nanalo ito ng Basecamp Colour Prize sa Singapore's Southeast Asia Film Financing Forum noong 2017.

Panoorin ang chika ni Lhar Santiago:

WATCH: The official trailer of Mina-Anud

Dennis Trillo and Jerald Napoles-starrer 'Mina-Anud' to close 2019 Cinemalaya Festival