What's on TV

Roderick Paulate trends for 'One of the Baes' scene

By Bianca Geli
Published July 31, 2019 7:03 PM PHT
Updated September 18, 2019 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Gumaan daw ang loob ni Roderick Paulate nang makilala ang mga makakatrabaho niya sa 'One of the Baes.'

Umabot na ng mahigit 600,000 views ang isang eksena ni Roderick Paulate sa upcoming GMA Primetime na One of the Baes.

Roderick Paulate
Roderick Paulate


Ito ang comeback role ni Roderick sa isang romantic-comedy series sa Kapuso network matapos ang halos sampung taon.

Aniya, “Excited lang ako kasi maganda 'yung character, at 'yung last ko na comedy talaga is nung 2009, sa Ded na si Lolo.”

“Ang maganda naman dito is tatay naman ako, at 'yung last teleserye ko pa dito sa GMA is Munting Heredera.”

Masaya rin daw si Roderick dahil reunited siya sa ilang familiar faces sa Kapuso Network.

“I'm looking forward to it kasi first time ko to be working with Rita [Daniela] and Ken [Chan].

“Si Amy, kilala ko siya as a friend pero hindi ko pa siya nakaka-work. Si Tonton, nakasama ko na sa project before.”

WATCH: Roderick Paulate, pinuri si Rita Daniela sa first taping day ng 'One Of The Baes'

Dagdag ni Roderick, “Siyempre, masaya kasi nandito 'yung ibang nakasama ko nung nagsisimula pa lang ako pati mga bosses.

“I'm really happy to be back here in the Kapuso network.”

Pinag-isipan daw nang husto ni Roderick ang kanyang pagbabalik sa isang teleserye

“Pinag-usapan din naman namin ng manager ko. Kasi 10 years ago pa 'yung last na ginawa kong comedy.

“Naisip ko, 'Oo nga ano? Gusto ko ng light naman, gusto ko naman mag-enjoy.”

“Nung in-offer ito good vibes agad at ang bilis ng negotiation.

Flattered din daw si Roderick na naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng buong cast at crew ng One of the Baes kaya game siya sa mga eksena.

“Ang maganda is na-meet ko 'yung mga batang production people--they've watched my films daw, so lalong gumaan ang puso ko.”

“'Pag dating daw sa comedy roles, maingat din si Roderick sa pagpapatawa at nais niyang maging relatable sa mga millennials.

“Concerned ako sa flow ng character, maingat din ako para ma-enjoy ng lahat kahit bata.

“Colaborative ako kasi millennials na mga viewers.”

Abangan si Roderick Paulate bilang si Paps sa One of the Baes, ngayong September na sa GMA Primetime!

IN PHOTOS: 'One of the Baes' cast pictorial

LOOK: Rita Daniela and Ken Chan's first taping day for 'One of the Baes'

LOOK: This #RitKen video just hit 1M views on Facebook