What's Hot

WATCH: Rhea Santos, nagpasalamat sa Kapuso Network sa 19 na taon sa telebisyon

By Cara Emmeline Garcia
Published August 1, 2019 10:37 AM PHT
Updated August 1, 2019 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - ICI hearing on flood control projects (Dec. 5, 2025) | GMA Integrated News
Yacht catches fire; damage hits P900,000
Cup of Joe named Billboard PH's top artist of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Rhea Santos


Hinandugan si Kapuso anchor Rhea Santos ng isang 'Balitawit' ng kaniyang kasama sa top-rated morning show na Unang Hirit nang magpaalam ito kahapon, July 31.

Hinandugan si Kapuso anchor Rhea Santos ng isang 'Balitawit' ng kaniyang kasama sa top-rated morning show na Unang Hirit nang magpaalam ito kahapon, July 31.

Rhea Santos
Rhea Santos

Sa kaniyang pagpaalam, binalikan ng UH barkada ang masasayang alaala kasama si Rhea sa loob ng 19 na taon.

Dito, nagpasalamat ang anchor sa lahat ng biyayang kaniyang natanggap sa network at sa mga naging tagasubaybay niya sa iba't ibang Kapuso shows.

Aniya, “Maraming salamat sa GMA sa tiwala.

“Salamat sa mga katrabaho na naging kaibigan at pamilya ko na po.

“At higit sa lahat, sa inyo mga Kapuso na nagbukas ng kanilang tahanan para papasukin po ako tuwing umaga sa loob ng 19 na taon."

After 19 years, mamamaalam na ang isa sa ating pinakamamahal na UH Barkada ngayong linggo! 😭 May gusto ba kayong sabihin kay Rhea Santos? I-comment na 'yan! ❤️

A post shared by Unang Hirit (@unanghirit) on

“Sabay po tayong humigop ng kape, isinabay niyo po ako sa almusal, 'yung pagpasok niyo sa opisina, sa eskwelahan.

“Kasa-kasama ko po kayo at kasa-kasama niyo rin po ako.

“Kaya sa mga Kapusong 'di makatulog sa gabi, naku, sinamahan niyo po ako sa Tunay na Buhay, 'yung isa ko pong programa.

“Kaya maraming maraming salamat po.”

Pupuntang ibang bansa si Rhea kasama ang kaniyang pamilya at binabalak niyang bumalik sa pag-aaral.

Mapapanood si Rhea sa Unang Hirit hanggang biyernes, August 2.

Panoorin:

WATCH: Rhea Santos bids goodbye to 'Unang Hirit'