
Paniguradong ibinibigay ng leading stars ng Madrasta ang lahat ng kanilang makakaya para mapaganda ang mga eksena sa inaabangang Kapuso drama. Sa katunayan, isang malaking eksena ang kanilang kinunan sa ilalim ng ulan at sa gitna ng trapik.
Basa pero masaya sina Arra San Agustin, Juancho Trivino at Thea Tolentino matapos ang kanilang mahaba at nakakapagod na taping.
IN PHOTOS: Meet the cast of upcoming drama series Madrasta
Ani Juancho, “One of the most challenging scenes I have done ever, it was nine scenes of crying, pleading, and stunts in THE RAIN and during traffic. Glad we pulled it off well naman! Watch out for this friends, #Madrasta soon on @gmanetwork Afternoon prime.”
Ano kaya ang mangyayari sa episode na ito? Abangan 'yan soon sa GMA Afternoon Prime!