What's Hot

WATCH: Maine Mendoza, bihira nang makikita sa 'Eat Bulaga?'

By Aedrianne Acar
Published August 3, 2019 1:42 PM PHT
Updated August 3, 2019 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Pres. Bongbong Marcos signs the P6.793-T budget for 2026 | GMA Integrated News
Ilonggo filmmaker wins Best Screenplay in New York
Beyond the stigma: Project Headshot Clinic celebrates 18th installment, 'Amorphous'

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza and Carlo Aquino


"Baka bihira n'yo na ako makikita sa 'Eat Bulaga,' mga Dabarkads. Pero 'wag niyo sana ako makalimutan,” saad ni Maine Mendoza.

Aminado na magiging busy ang Daddy's Gurl star na si Maine Mendoza sa dalawang upcoming movies niya na "Mission Unstapabol: The Don Identity," na isang MMFF entry at ang "Isa Pa with Feelings" kasama si Carlo Aquino.

Maine Mendoza at Carlo Aquino
Maine Mendoza at Carlo Aquino

Sa panayam ni Cata Tibayan sa Chika Minute, magiging madalang daw ang paglabas ni Maine sa noontime show na Eat Bulaga habang nagsu-shoot siya ng mga pelikula at ginagawa ang iba pa niyang showbiz commitments.

Ani Maine, "Magsasabay 'yung shooting niya so baka bihira niyo na ako makikita sa 'Eat Bulaga,' mga dabarkads. Pero 'wag niyo sana ako makalimutan.”

Nagkuwento din ang Phenomenal star sa experience niya kasama si Carlo Aquino sa familiarity workshop nilang dalawa.

Saad niya, “"Ang kulit niya kasi, makulit din siyang lalaki. Parang same kami ng wavelength. Kumbaga 'yung mga jokes ko benta sa kaniya, 'yung mga jokes niya benta sa akin. So most of the time kapag nagwo-workshop kami tawa lang kami nang tawa,"