What's Hot

Michael V., kinilig nang tawaging "Alex"

By Aedrianne Acar
Published August 7, 2019 11:50 AM PHT
Updated August 7, 2019 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maja Salvador shows face of daughter for the first time, vows to protect her privacy
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Alex ang pangalan ng karakter ni Michael V sa Family History


Mula sa "Pits," may ilan na ring tumatawag kay Michael V. bilang "Alex."

Hindi pa rin makapaniwala ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa naging impluwensya sa mga tao ng pinagtambalan nilang pelikula ni Dawn Zulueta, ang 'Family History.'

Ang naturang proyekto ang nagsilbing comeback movie niya matapos ang ilang taon.

Directorial debut rin ito ng Michael V. at first maiden project ng kanyang production company na Mic Test Entertainment, na itinayo nila ng maybahay niyang si Carol Bunagan.

Katuwang ng Mic Test Entertainment sa Family History ang GMA Pictures.

Sa tweet ni Direk Michael, sobra siyang kinilig nang biglang may tumawag sa kanya na Alex na karakter niya sa pelikula.

“Sa tagal ng #PepitoManaloto sa ere, “Pits” na ang tawag sa 'kin ng mga tao.”

“Pero kanina may tumawag sa 'kin ng “ALEX”!”

“Medyo kinilig ako dahil feeling ko, tumatak talaga sa ilang tao ang #FamilyHistoryMovie.”

Samantala, ayaw pa rin paawat ng netizens sa pagpuri din kay Michael V. dahil sa pelikula niyang 'Family History.'

Family History is on its third week and still showing in select cinemas.

Netizens, nangampanya para ibalik ang 'Family History' sa mga sinehan sa probinsya

#NasaanAngHustisya: Netizens, nagagandahan pa rin kay Dawn Zulueta kahit nakalbo sa isang eksena sa 'Family History'