
Pinuri ng batikang scriptwriter na si Ricky Lee ang pelikula ng kanyang kaibigan na si Maricel Cabrera-Cariaga na 'Children of the River,' na kabilang sa 10 kalahok sa Cinemalaya ngayong taon.
Nang makausap ng GMANetwork.com si Ricky, sinabi niyang nagustuhan niya ang likha ng kanyang dating estudyante. Kabilang si Direk Maricel sa 'Quiapo Collective,' o ang Batch 15 ng workshop na ginagawa ni Ricky taun-taon.
IN PHOTOS: At the gala screening of Cinemalaya entry 'Children of the River'
"I like the story," ani Ricky.
"Noel [Comia, Jr.] was very good. I like the material, 'yung simple life na hindi mo alam ang napapalibot sa kanila: 'yung giyera, 'yung danger ng sitwasyon ng giyera.
"Maganda rin 'yung journey ng coming-of-age, pagkilala ni Elias [Noel's character] sa sarili niya."
Ayon sa kanya, isa sa strengths ni Direk Maricel ay ang pagku-kuwento nang natural.
"Ganito ang isa sa mga strengths ni Maricel as a director e, 'yung mga natural charm ng buhay ng mga simpleng tao," saad niya.
"'Di ba, ordinary people 'yung charm ng interactions nila ng buhay nila sa probinsya, natural na natural, kuhang-kuha niya 'yon."
Mapapanood ang 'Children of the River' sa Cultural Center of the Philippines hanggang sa Sabado, Agosto 10. Nasa Ayala Malls cinemas din ang 'Children of the River' hanggang sa Martes, Agosto 13.