TV

Almira Muhlach, balik-Kapuso; handang ma-bash sa bagong programa

By Cherry Sun

Nagbabalik bilang Kapuso si Almira Muhlach, at handa raw siyang ma-bash sa kanyang bagong proyekto sa GMA Network.

Almira Muhlach

Huling napanood si Almira sa programang Lupin noong 2007.

Matapos ang mahigit isang dekada, muli na siyang mapapanood bilang isang Kapuso sa upcoming afternoon drama na Madrasta.

IN PHOTOS: Meet the cast of upcoming drama

Excited si Almira sa kanyang bagong Kapuso project, pati rin sa kanyang mga makakatrabaho.

Aniya, “Itong story [conference] nga nakita ko puro ang babata ng kasama ko. So, I'm excited to work with the new leading men and leading women of GMA.”

Ano kaya ang aabangan ng mga Kapuso mula sa kanya?

Sambit ni Almira, “Siyempre, kung ano 'yung dati kong mga binibigay sa dati kong show and 'yung recent kong show, they'd see that in me.

But, I'd attack it in a different way para naman may difference 'di ba. Hindi lang 'yung laging, 'Ay ito nalang 'yung lagi niyang binibigay na acting.'

“I'm excited again to be a kontrabida and ma-hate and ma-bash na naman ako,” patuloy niya.