What's on TV

EXCLUSIVE: Klea Pineda, excited nang mag-move on sa mature role sa 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia
Published August 13, 2019 5:44 PM PHT
Updated October 14, 2019 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Klea Pineda on her new role: “Excited akong gawin 'yun kasi sobrang gusto ko 'yung drama." Read more:

“Feeling ko it's a sign for me na done na ko sa mga pabebe roles.”

Iyan ang binahagi ni Kapuso actress Klea Pineda sa GMANetwork.com sa naganap na storycon ng upcoming GMA Afternoon Prime serye na Magkaagaw.

Kuwento ni Klea, excited na raw siya sa kaniyang gagampanang role sa serye dahil ito raw ang pagkakataon para i-step up ang kaniyang talento sa pag-arte.

Aniya, “Na-excite akong mag-explore at mag enjoy habang gumagawa ng dramatic scenes.

“Excited akong gawin 'yun kasi sobrang gusto ko 'yung drama.

Kuwento pa ni Klea, pressured raw siya na gampanan ang role pero gagamitin niya ito para mas mapalago ang kaniyang career sa showbiz.

“Thankful ako pero siyempre pressured, 'di naman matatanggal 'yan.

“Pero 'yung pressure na 'yun makakatulong sa akin to do more kasi alam ko rin na I can be more. And alam ko na marami pa akong kayang gawin, it's just that hindi ko pa siya nadi-discover.”

Meet the cast of the upcoming GMA series 'Magkaagaw' ✨ Coming soon!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

Dagdag pa sa excitement ni Klea ang marinig na makakatrabaho niya muli si Kapuso actor Jeric Gonzales, na magsisilbing ka-love team niya sa serye.

“Happy ako na komportable kami sa isa't isa kasi alam na namin kung paano magtrabaho.

“Siguro ang kailangan na lang namin is mag-step up kasi kung ano 'yung nagawa namin nung Ika-5 Utos mas may kailangan kaming gawin dito sa Magkaagaw.

Maliban kay Jeric, makakasama rin ni Klea sa unang pagkakataon ang mga dekalibreng artista na sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.

“Gustung-gusto ko na makatrabaho sina Ms. Sheryl Cruz at Ms. Sunshine Dizon kasi alam kong sobrang marami akong matutunan sa kanila.

“Never ko pa silang nakatrabaho eh so excited ako na makatrabaho sila sa show.”

Abangan sina Klea Pineda, Jeric Gonzales, Sheryl Cruz, at Sunshine Dizon sa Magkaagaw, soon sa GMA Afternoon Prime!