What's on TV

WATCH: Alden Richards, sumailalim sa isang blind immersion para sa 'The Gift'

By Cara Emmeline Garcia
Published August 14, 2019 10:48 AM PHT
Updated September 10, 2019 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards blind immersion for the gift series


Mas lalo raw na-excite si Alden Richards na gampanan ang role sa The Gift matapos sumailalim sa isang blind immersion.

Sumabak na sa full immersion si Kapuso actor Alden Richards para paghandaan ang kaniyang karakter sa upcoming series na The Gift.

Maalalang noong mga nakaraang linggo, natutong maglako ng paninda sa Divisoria si Alden.

At ngayon, natutunan niyang ma-experience ang pagiging isang bulag, na magiging twist sa istorya ng karakter ng aktor sa serye.

Sa tulong ng Resources for the Blind Inc., isang non-government office na tumutulong sa visually-impaired, na-immerse si Alden sa kanyang gagampanang role.

Bahagi niya, “Mas lalo akong na-excite gawin 'yung role.

“Nakaka-move lang being here today and experiencing first-hand, kung ano 'yung pakiramdam ng pagiging bulag.”

WATCH: Alden Richards, nag-immersion sa Divisoria para paghandaan ang upcoming serye


Nakilala at nakausap rin ng Kapuso actor ang iba't ibang mga visually-impaired workers sa NGO na binisita niya.

Dahil dito, mas lalong na-inspire si Alden sa mga kwentong narinig niya.

Aniya, “Life doesn't stop after blindness and there's hope after blindness.”

Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:


WATCH: Alden Richards, sumabak na sa first taping day ng kanyang bagong serye

WATCH: Mayor Isko Moreno, suportado ang bagong teleserye ni Alden Richards