
Makakatambal ni Rocco Nacino ang Kapamilya star na si Miles Ocampo sa upcoming rom-com movie na 'Write About Love.'
Ngayong Miyerkules, Auugst 14, inilabas ng TBA Studios ang teaser ng pelikula na idinerehe ni Crisanto Aquino
Gagampanan nina Rocco at Miles ang papel bilang mga manunulat. Base sa teaser, "Mr. Indie" at "Ms. RomCom" kung tawagin nila ang isa't isa.
Makakasama rin ni Rocco sa 'Write About Love' ang dalawa pang Kapamilya stars na sina Yeng Constantino at Joem Bascon.
Wala pang detalye kung kailan ipapalabas ang pelikula.
LOOK: Kapuso and Kapamilya on-screen team up
LOOK: Rocco Nacino tears up as he recalls his 9-year Kapuso journey