What's on TV

Alden Richards, gaganap bilang bulag sa upcoming drama na 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published August 15, 2019 11:00 AM PHT
Updated September 10, 2019 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Babalik na sa primetime drama si Kapuso actor Alden Richards sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Babalik na sa primetime drama si Kapuso actor Alden Richards sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Alden Richards / Photo Source: aldenrichards02 (IG)
Alden Richards / Photo Source: aldenrichards02 (IG)

Muling masasaksihan ang kanyang husay sa pag-arte bilang ang karakter na si Sep, isang binatang mabibiyayaan ng kakayahan na makita ang nakaraan at kinabukasan matapos niyang mabulag.

Gagamitin naman niya ang kakayanang ito para tumulong sa kanyang komunidad.

Bilang aktor, panibagong hamon para kay Alden ang gumanap bilang isang bulag.

Bida rin sa kuwento ang isang lugar na napapanahon ngayon--ang Maynila, partikular na ang Divisoria.

Nag-immersion na rin si Alden dito para paghandaan ang kanyang role.

WATCH: Alden Richards, nag-immersion sa Divisoria para paghandaan ang upcoming serye

Sa Divisoria, maraming makikilala si Sep na mga karater na singkulay ng siyudad na kinalalagyan nila.

Makakasama ni Alden sa teleserye sina Jean Garcia, Jo Berry, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Betong Sumaya, Christian Vasquez, Elizabeth Oropesa, Rochelle Pangilinan, Martin del Rosario, Mikoy Morales, at Ysabel Ortega.

Napabalita na noon na nag-courtesy call sina Alden, Jo, Mikee, at Betong kay Manila Mayor Franciso "Isko Moreno" Domagoso na nangako naman ng suporta sa serye.

WATCH: Mayor Isko Moreno, suportado ang bagong teleserye ni Alden Richards

Lubos din nagpasalamat ang alkade sa pagpili sa Maynila bilang lokasyon ng serye.

Abangan ang The Gift, ngayong Setyembre na sa GMA Telebabad.

LOOK: Alden Richards at iba pang Kapuso stars, nag-courtesy call kay Mayor Isko Moreno

WATCH: Alden Richards, nag-immersion sa Divisoria para paghandaan ang upcoming serye