
Marami ng netizens ang nakaabang sa Madrasta, ang bagong Kapuso drama na pagbibidahan nina Arra San Agustin at Thea Tolentino.
Isang pasilip ang inilabas kahapon tungkol sa characters na bibigyang-buhay nina Arra at Thea. Agad namang naging usap-usapan at nakatanggap ng papuri ang dalawang Kapuso actress.
Si Arra ang kinikilala ngayong “new gem of drama.”
READ: Arra San Agustin, babaguhin ang imahe ng isang madrasta sa pagbibidahang drama
Sang-ayon naman dito ang ilang netizens na nagpahayag ng kanilang suporta para sa unang lead role ng StarStruck alumna.
Samantala, patuloy pa rin ang pagpapatunay ni Thea na siya ay isang de-kalibreng kontrabida.
READ: Thea Tolentino proves to be this generation's leading kontrabida
Puro papuri at paghanga rin ang kanyang natanggap mula sa netizens.