What's Hot

Robin Padilla's daughters agreed to enter showbiz one at a time

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 9, 2020 11:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Pagkatapos mabigyan ng big break ang anak ni Robin Padilla na si Kylie sa "Joaquin Bordado," si Queenie naman ang mabibigyan ng break sa "Totoy Bato."
Pagkatapos mabigyan ng big break ang anak ni Robin Padilla na si Kylie sa telefantasya ng GMA-7 na Joaquin Bordado, ang panganay naman ni Binoe na si Queenie ang mabibigyan ng break sa bagong primetime series ng action superstar, ang Totoy Bato. Sa pagkakaalam ni Binoe ay gaganap na kapatid ng leading lady niyang si Regine Velasquez si Queenie. Masayang-masaya nga raw si Queenie dahil makakatrabaho na nito ang idolo niyang si Regine sa isang TV show.stars
"Mas excited pa si Queenie na makatrabaho si Regine kaysa sa akin!" tawa ni Binoe. "Si Queenie kasi, mahilig kumanta ‘yang batang ‘yan. Talagang gusto niyang maging singer at ang idol niya noon-noon pa ay si Regine. Nabanggit ko nga ito kay Regine at gusto niyang makilala nang husto ang anak ko. "Kaya noong sabihin ko kay Queenie na makakasama niya si Regine sa isang TV show, naku, tuwang-tuwa at hindi na makatulog! Hindi man lang nga tinanong kung kasama ako sa TV show na ‘yon. Pero okey lang dahil kasiyahan na ng anak ko ang makasama ang idol niyang si Regine." ONE AT A TIME. Kuwento pa ni Binoe sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nag-usap raw ang mga anak niyang babae na sina Queenie, Kylie, at Zhen-Zhen, na paisa-isa raw muna silang mag-aartista. Aniya, "Yun ang deal nilang magkakapatid. Mauuna muna si Kylie, tapos si Queenie, tapos si Zhen-Zhen. Gusto kasi nila na nagsusuportahan silang magkakapatid. Ayaw nilang magsabay-sabay sila. "Since si Queenie na ang mag-aartista, si Kylie ay babalik sa pag-aaral niya. Mas gusto rin niyang mag-aral pa tungkol sa martial arts. Si Queenie, sinabihan ko na mag-aral mag-Tagalog nang diretso. Marunong naman na siya, pero may kaunting slang pa. Lumaki kasi ang mga batang ‘yan sa Australia kaya ‘yung accent nila, masyadong matindi. Kahit ako nga, di ko maintindihan sila minsan!" tawa ni Binoe. Nang tanungin namin si Binoe kung may balak ding mag-artista ang bunso at kaisa-isang niyang anak na lalaki, si Ali, sinabi ni Binoe na wala pa raw itong interes sa showbiz. "Ang interes ng batang ‘yan ay mga babae sa Australia!" tawa niya. "Hanggang hindi pa niya kayang iwan ang mga blondie niyang girlfriend sa Australia, e, wala pang hilig ‘yan sa showbiz. Tsaka masyado pang bata si Ali. Mas gusto pa niyang nasa Australia siya kasi nandoon ang mommy [Liezl Sicangco-Padilla] niya. "Tinatanong ko naman si Ali kung gusto na ba niyang subukan ang trabaho ko. Umaayaw talaga. Wala pa siyang interes talaga. Gusto niya ay aral, laro, at babae!" PROUD PAPA. Dahil isa-isa nga ngang pumapasok sa showbiz ang mga anak ni Binoe, hindi nito mapigilan na matuwa and at the same time ay maging emotional. Nakikita raw kasi niyang malalaki na ang mga anak niya at hinahangaan na rin ng mga sumusuporta sa kanya. "Natutuwa ako kasi tanggap ng mga sumusuporta sa akin ang mga anak ko," sabi ni Binoe. "Hindi lang nila alam kung gaano ako kasaya kapag magaganda ang mga naririnig ko patungkol sa mga anak ko. "Tulad nga ni Kylie, umani ng magagandang reviews ‘yan sa Joaquin Bordado. Maraming offers si Kylie, pero mas gusto muna niyang mag-aral. Si Queenie naman, hinahangaan nila ang pagkanta nito at ngayon ay siya naman ang magpapakita ng kakayahan niya sa pag-arte. "Nagpapasalamat ako sa marami dahil kung ano ang pagmamahal na ipinakita at ipinadama nila sa akin ay yun din ang binibigay nila sa mga anak ko. Walang magulang na hindi naging proud sa kanyang mga anak," saad ni Robin. -- PEP.ph Text ROBIN to 4627 to Feel the Fun with Fanatxt! For picture messages from Binoe, text GOMMS ROBIn ON and send to 4627. (Each SMS costs P2.50 for GLOBE, SMART, TM and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. Each MMS costs P5.00 for all networks.)