
Napasabak sa isang kakaibang challenge sina Rita Daniela at Ken Chan sa Tonight With Arnold Clavio.
Sinubukan ang teamwork at kakayanan ng Kapuso love team, na mas kilala sa tawag na RitKen, sa “Not My Arms Challenge.”
Kailangang maghanda ng pagkain ang isang player habang naka-blindfold sa tulong ng isa pang player na bawal naman gamitin ang kaniyang mga kamay.
Sino kaya kina Rita at Ken ang mas mabilis makabuo ng panghimagas?
Panoorin sa Tonight With Arnold Clavio: