Showbiz News

Nicole Donesa introduces her character Nurse Via in 'Descendants of the Sun;' boyfriend Mark Herras reacts

By Jansen Ramos

Matapos ianunsiyo ang mga gaganap bilang miyembro ng military forces para sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun, unti-unti na ring nakilala ang iba pang supporting cast members na makakasama rito.

Nicole Donesa

Bilang may kinalaman sa medical field ang naturang serye, malaki rin ang papel ng mga nurse na gagampanan nina Nicole Donesa, Chariz Solomon, at Jenzel Angeles.

LOOK: Jasmine Curtis-Smith at iba pang cast ng Pinoy 'Descendants of the Sun,' sumailalim sa medical training

Sa post ni Nicole ngayong Martes, August 27, ipinakilala niya ang karakter na si Nurse Via matapos sumabak sa kanilang unang taping noong Lunes, August 26.

Sulat niya sa caption, "Nurse Via at your service #descendantsofthesun #dots #firsttapingday."

Nag-react naman ang kanyang boyfriend na si Mark Herras sa kanyang post.

#Nabihag: Mark Herras and actress Nicole Donesa confirm relationship

Biro niya, "May sakit po ako [smile emoji]. I need you."

Samantala, curious pa rin ang netizens kung sino nga ba ang gaganap sa role ni Dr. Maxine Kang.

LOOK: Dingdong Dantes teases iconic scene of Sgt. Diego Ramos and Lt. Moira Defensor in 'Descendants of the Sun'