
Tinamaan ng sakit na dengue si Kapuso actress at The Better Woman star Ina Feleo.
Ibinahagi niya ang masamang balita sa isang post sa Facebook kung saan humingi din siya ng dasal.
"Positive for dengue. Pls pray for me. Pangtulong panlaban," sulat niya.
Nagbigay naman ng suporta sa kanya ang ilang mga kaibigan mula sa showbiz.
"Pagaling ka brotherness," sulat ni Marco Alcaraz.
"Pagaling!" ani Charee Pineda.
"Get well soon!!!" simpleng mensahe naman ni Annicka Dolonius.
Payo naman ang hatid ng child actor na si Kenken Nuyad para sa kanyang ate Ina.
"Ate kain kapo ng itlog ng pugo at Kung kailangan MO ng halaman na tawa2x pm kapo agad dalhan LA namin ni mama.... Ate pagaling ka love you," aniya.
"Get well soon dear," mesahe naman ni Jerald Napoles.
"Prayers for your healing," pangako ng direktor na si Adolf Alix Jr.
Confident naman si Rodjun Cruz na malalampasan ni Ina ang kanyang sakit.
"Yes Ins. Pagaling ka agad. Kayang Kaya mo labanan yan. lakas mo!" aniya.
Nakukuha ang sakit na dengue fever mula sa kagat ng lamok na carrier ng virus. Kabilang sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, pagsakit ng mga kasukasuan at kalamnan at skin rashes.
Dengue: 8 symptoms that you need to know now
Ina Feleo is engaged!