
Overwhelmed si former The Clash finalist Garrett Bolden sa suporta na natatanggap niya ngayong lumabas na ang kanyang ika-2 single na “Handa Na Maghintay.”
Ayon kay Garrett, maliban sa pagiging isang love song ay inihahandog niya ang kanta para sa kanyang ama.
Aniya, “It took me siguro mag-18 o 19 na ako nung nakilala ko siya.
“So, it's something na hinintay ko simula nung bata pa ako.”
Maliban kay Garrett, naging emosyonal rin ang kanyang co-Clasher na si Mirriam Manalo.
Nakuwento kasi ni Mirriam na may pambihirang sakit ang kanyang 6-month old na baby na si Layla Elleina at umaasang malalagpasan ang pagsubok na ito.
Sambit ni Mirriam, ang kanyang anak ang nagsilbing inspirasyon niya sa bagong single na may pamagat na “Una Ka.”
Ang “Handa Na Maghintay” at “Una Ka” ay produced under GMA Music at mapapakinggan na sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide.
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
Garrett Bolden and Mirriam Manalo fulfill dream in release of new single
IN PHOTOS: At Garrett Bold and Mirriam Manalo's bloggers' conference