
Ngayong Agosto 29 ang huling gabi ng burol ng veteran actress na si Gloria Lerma Yatco, o mas kilala bilang si Mona Lisa.
Ang viewing ay magaganap sa Loyola Memorial Chapels 1 at 2 sa Parañaque.
Nakilala ang aktres sa kanyang screen name na Fleur de Lis bago naganap ang World War II at isa siya sa mga batikang aktres noong dekada '30 at '40.
Tumampok siya sa ilang pelikula tulad na lamang ng Kalbario ng Isang Ina, Siyudad sa Ilalim ng Lupa, at Insiang.
Ginawaran rin siya bilang Best Supporting Actress ng FAMAS noong 1975 para sa Insiang at Lifetime Achievement Award ng Gawad Urian noong 1999.
Ang nasabing aktres ay pumanaw sa edad na 97 noong Linggo, August 25.
Magaganap ang libing sa Biyernes, August 30.
Ang buong detalye sa ulat ni Iya Villania:
Veteran actress Mona Lisa passes away at 97, wake details disclosed