What's Hot

Jackie Rice, preparing to be a mom

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong 18 years old na si Jackie Rice, iGMA learned that Jackie is seriously preparing to be a mom.
Isa si Jackie Rice sa may pinaka-maganda at maamong mukha sa telebisyon ngayon. After winning the ‘StarStruck’ 3 Ultimate Female Survivor title, pumasok na siya sa mundo ng show business sa edad na 15. Ngayong 18 years old na siya, iGMA learned that Jackie is seriously preparing to be a mom. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Huling nakita si Jackie Rice sa show na Dyesebel where she played Arana, one of the mermaids sa mundo ng Sireneya. After the success of the show, bumabalik si Jackie sa prime time with another Marian-Dingdong starrer, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa pictorial ng nasabing show, nagpaunlak si Jackie sa isang exclusive interview with iGMA, at doon namin nalaman na she is indeed preparing to be a mom—bilang Cassandra, ang role niya sa Carlo J. Caparas classic. stars
“Ako po 'yung kapatid ni Dingdong Dantes and ni Prince Stefan. Itinakwil ako ng mga magulang ko dahil nag-asawa ako nang maaga at tsaka nag-anak,” pahayag ni Jackie sa amin. Idinagdag pa niya na isa siyang rebelde dito nang dahil sa pag-ibig and that she was given a chance to play a challenging role, ang maging isang ina sa isang one year-old baby. “Mommy na siya na may asawa na sobrang drama [ang buhay] dahil parang ipinagpalit ko 'yung pamilya ko, 'yung parents ko, mga kapatid ko para sa sarili ko mismong pamilya. Ayun, so panibagong challenging role ito para sa akin,” kuwento pa ng StarStruck Ultimate Female Survivor. She also assured us na kahit 18 years old pa lang siya, she thinks she can handle the role pretty well. “Mahilig naman po ako sa bata. Tapos iniisip ko na lang [na] what if, 'di ba, parang sad naman nga kung mangyari ‘yon pero kung dun ako masaya, 'di ba? Iyon naman 'yung pinapakita dito, eh, na masaya ako sa pamilya ko, na 'yun ang gusto kong ipakita sa lahat,” ang paglalarawan ni Jackie sa kanyang role. Indeed, excited at ready na nga si Jackie to portray the role of a teenage mom. Subaybayan ang pagbabalik ni Jackie Rice sa prime time Telebabad block ng GMA via Carlo J. Caparas’s Ang Babeng Hinugot sa Aking Tadyang. Talk about this topic sa iGMA forums.