What's Hot

MUST-WATCH: Mr. Sunshine, ang highest-rating Korean cable drama of 2018

By Bianca Geli
Published September 3, 2019 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Subaybayan ang biggest Korean drama ng 2018, ang 'Mr. Sunshine,' tuwing gabi pagkatapos ng 'The Better Woman' sa GMA Telebabad.

Mula sa mga gumawa ng top-rating Korean drama na Descendants of the Sun, ang biggest Korean drama ng 2018 na Mr. Sunshine ay na mapapanood na sa GMA.

Tampok dito ang sikat na Korean actor na si Lee Byung Hun bilang Eugene Choi, na lumaki sa hirap noong Joseon dynasty.

Ipadadala siya sa Amerika kung saan siya ay magiging isang American Marine Corps officer.

Magbabalik sa Joseon si Eugene at makikilala si Go Ae Shin (Kim Tae Ri).

Mabubuo ang pag-iibigan sa dalawa, ngunit kailangan nilang piliin ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng Joseon.

Pinuri ang Mr. Sunshine para sa mahusay nitong cinematography at effects, pati na rin ang malalim na istorya nito na nagpapakita sa Joseon period ng Korea.

Itinanghal din bilang top Korean drama of 2018 ang Mr. Sunshine sa peak rating na 18.1%.

Mapapanood din sa Mr. Sunshine sina David Lee McInnis bilang Major Kyle Moore, Yoo Yeon Seok bilang Dong Mae, Kim min Jung bilang Kudo Hina, Byun Yo Han bilang Kim Hee Sung. Dapat rin abangan ang sikat na Descendant of the Sun stars na sina Kim Ji Won at Jin Goo sa kanilang cameo appearances sa Mr. Sunshine.

Tutukan ang Mr. Sunshine sa GMA, Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng The Better Woman.