What's on TV

'One of the Baes' cast, na-challenge sa pag-shoot ng launch plug

By Bianca Geli
Published September 11, 2019 11:24 AM PHT
Updated September 18, 2019 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Hinagupit man ng bagyo, hindi pa rin nagpatinag ang One of the Baes cast and crew para sa shoot ng kanilang launch plug.

Hinagupit man ng bagyo, hindi pa rin nagpatinag ang One of the Baes cast and crew para sa shoot ng kanilang launch plug.

Ani Ken Chan, “Pinaghirapan natin ito, bagyo, alon, hangin, puyat pero nilaban natin!”

Para naman kay Rita, nakakawala ng pagod ang ganda ng kinalabasan ng kanilang pinaghirapan na launch plug, "Literal na pagod at pawis ang ginawa namin dun. When I saw the video, worth it iyong pagod na ibinigay namin noong araw na iyon."

Binuo ang shoot ng mahigit 200 na katao, kabilang ang lead stars na sina Rita Daniela at Ken Chan, at ibang One of the Baes cast kabilang sina Roderick Paulate, Kenneth Medrano, James Teng, at Archie Alemania.

Nakasama rin ng cast ang masisipag na estudyante ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) na dumayo pa ng Maynila mula Bataan. Kasama din ang Speed Dancers, Arjhay's event performers, at mga miyembro ng JRU Pep Squad,.

Kahit maulan ang panahon habang sinu-shoot ang plug, matagumpay na naisakay ang mahigit 200 na miyembro ng One of the Baes team ng mga bangka na nagpabalik-balik sa pier maihatid lang ang buong production staff sa barko.

Sina Ken at Rita rin mismo ang kumanta ng launch plug theme song na “La Capitana” na original composition nina Jonathan Fulgencio (Lyrics) at Simon Peter Tan (Music). Nasa ilalim naman ng direksyon ni Michael Christian J. Cardoz ang launch plug at ang choreography naman ay nasa pamamahala ni Christopher Espleta.

Panoorin: