What's Hot

WATCH: Alden Richards reveals anxieties about remaining relevant

By Marah Ruiz
Published September 12, 2019 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Asia's Multimedia Star Alden Richards na sumasagi sa isip niya minsan kung paano mananatili sa showbiz.

Lubos ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Alden Richards
Alden Richards


Gayunpaman, aminado siya na sumasagi sa kanyang isipan kung paano mananatili sa larangan ng showbiz.

"We all know naman in showbiz, 'pop in, pop out' ka diyan eh. The greatest fear is how to stay--stay longer, stay relevant. Naniniwala pa ba 'yung mga manonood sa 'yo?" pahayag niya.

Kaya naman lagi siyang looking forward na gumawa ng mga napapanahong proyekto. Isa na rito ang kanyang hit movie kasama si Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, na tumalakay sa buhay ng mga overseas Filipino workers o OFW sa Hong Kong.

Ngayon naman, isang napapanahong teleserye ang pagbibidahan ni Alden. Hamon sa kanya ang gumanap bilang isang bulag na Divisoria vendor sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

"Very timely din siya kasi ang gusto ko talagang maging mensahe nitong project na 'to sa mga tao is kahit ano pang pagdaanan natin sa buhay, there's hope," bahagi ni Alden.

Panoorin ang online exclusive video na ito ni Alden kung saan nagbahagi pa siya ng ilang pang detalye tungkol sa The Gift.




Huwag palampasin ang world premiere ng The Gift, September 16 na sa GMA Telebabad.

Alden Richards, sisiguraduhing 'sensitive' ang pagganap bilang bulag sa 'The Gift'

Alden Richards, gustong pahalagahan ang mga bulag sa pamamagitan ng 'The Gift'