What's Hot

LOOK: Sharon Cuneta and Gabby Concepcion reunite on concert stage

By Nherz Almo
Published September 23, 2019 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Drone strikes on Sudan kindergarten, hospital kill dozens —local official
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News



Gabby Concepcion introduces Sharon Cuneta, "Ms. Sharon Cuneta-Concepcion noong araw."

Libu-libong mga guro ang nasorpresa sa muling pagsasama ng dating reel- at real-life couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Muling nagpakilig ang dating phenomenal love team nang magkasama silang kumanta ng classic song na "Come What May" sa ginanap na grand gathering of teachers, ang Gabay Guro, kahapon, September 22.

Matapos ng performance, sinabi ni Sharon sa mga gurong dumalo sa event, "Ito po ang regalo namin sa inyo, for the first time in forever!"

Pagkatapos ay ipinakilala niya ang dating asawa, "Mr. Gabby Concepcion."

Sinagot naman ni Gabby, "Ms. Sharon Cuneta-Concepcion noong araw," na nagdulot ng malakas na halakhak mula sa audiece.

Kasunod nito ay pinasalamatan niya ang mga guro, "dahil kayo ang nagturo sa amin at nagturo kay KC kung ano siya ngayon."

Si KC Concpecion ang unica hija nina Gabby at Sharon.

Nostalgic✨ So good to see @reallysharoncuneta and @concepciongabby back on stage. 💕 #GrandGathering2019

A post shared by PLDT Gabay Guro (@pldtgabayguro) on


Nakasama din nina Gabby at Sharon sa stage ang dating mag-asawa, ang Concert King and Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Pops & Martin 💕 bringing back the classic love teams we loved here at Gabay Guro #GrandGathering2019

A post shared by PLDT Gabay Guro (@pldtgabayguro) on


Unang nagkasamang muli sina Gabby at Sharon sa isang fast food ad na naging viral noong 2018.

LOOK: Gabby Concepcion and Sharon Cuneta reunite for a fast food ad

Then and Now: Sharon Cuneta and Gabby Concepcion